Total Pageviews

Mormon.Org

I'm a Mormon.

Monday, February 21, 2011

Pag wala ka ng magagawa. (T.T)

Sa ngayon, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas. Kahapon, nagsisisi ako. Bakit ba kasi kailangan ko pang magtapangtapangan? Nanghihina na talaga. feeling ko pinabagsakan ako ng langit at lupa kahapon. Sana hindi ko nalang nalaaman na ganun pala yun. bakit ngayon pa unti-unting narereveal sa akin. Ngayon pang wala ng pag-asa na maisakatuparan pa. Huli na ang lahat. Mas lalo lang sumasama ang loob ko. Hindi ko alam kung tama ba na maging ganito ako. Bitter na Bitter na ako. Ayaw kong umabot pa sa panahon na baka makasakit ako ng ibang tao. Sana naman hindi. Andami kong gustong gawin. Gusto kong makalimutan lahat lahat. Di ko na mapigilan pero talagang eto na ako. Mahinang mahina. Umaasa na lang sa ibang tao. Sana malagpasan ko ito. Nakakatakot na baka hindi ko macontrol at bumigay nalang din ako. Wala na akong magagawa eh. Bakit ngayon ko lang nalaman lahat. Akala ko ba gusto nya akong pakasalan. Bakit hindi siya nakapaghintay? Bakit siya biglang nawala? at pinakamasakit para sa akin, Bakit hindi nya muna niliwanag lahat sa akin para naintindihan ko kung bakit ba talaga hindi nagwork-out? Diba? Hays, BAHALA NALANG!

No comments:

Post a Comment