February 16, 2011
I am now listening to the 2011 mutual theme songs. I was encouraged to endure by my friends and just go on with my life. Honestly, I’m having hard time forgetting the things that had happened few months ago. Though, I know I could make it. I am just making myself believe that I am strong enough to carry all the pain. I felt I was betrayed by my feelings. Regrets overpowered my pride. (-_-) Now, how could he say sorry if he doesn’t know how I feel?
Alam kong mali din naman ako eh. Masyado kong sinanay ang sarili ko na maging matapang kahit na ang totoo lubog na lubog na ko sa sakit at paghihirap. Natatakot ako na baka biglang dumating ang araw na hindi ko na kilala ang sarili ko. Masama bang maging kakampi mo ang sarili mo sa mga panahong alam mong walang makakaintindi sayo? Siguro nga unfair ako kasi masyado na kong nagiging mapagpanggap na masaya ako kahit na ang totoo, gusto ko nang mag-give-up. (-_-) Heto na naman ako, nagpapaapekto sa mga nangyayari sa mundo. Buwan na din ang nakalipas pero hindi pa rin ako makamove-on. Ano ba talaga? Pwede bang ilabas ko na lahat ng sama ng loob ko dito?
Ano bang magiging reaction mo kapag yung taong akala mong sagot sa lahat ng katanungan mo eh nawala din na parang bula. Hindi man lang nagpaliwanag o ano. Hindi mo nga din alam kung bakit bigla na lang parang napunta sa emergency room at nawalan ng malay. Hanggang ngayon yun padin naman ang kinakasama ng loob ko eh. Alam kong may kasalanan talaga ako. Masyado akong umasa sa feeling nya at sa nararamdaman ko para sa kanya. Kung meron mang isang bagay na alam kong pagkakamali ko talaga, hindi ko pinakita kung ano yung talagang nararamdaman ko. Masyado akong naging immature. Nasanay kasi ako na ako ang laging sinusuyo. Nasanay ako na ako ang laging sentro ng attention. Hindi ko naman inakala na ganun lang pala yun kadali sa kanya. Kapag sinabi kong ‘hindi o ayaw ko’ hanggang dun nalang yun. Hindi na siya magdadalawang isip pa na magsalita pa ulit. Sa pananaw ng ibang tao, ako ang mali. Ako ang nagrefuse sa mga dates, sa mga pagseseryoso nya o ano man yan. Pero kung alam lang nila ang totoo. I doubt! Isang malaking katanungan pa din sa akin hanggang ngayon, bakit hindi nya muna niliwanag kung ano ba talaga ang meron sa amin bago siya naghanap ng iba. Bakit sa ibang tao nya sinasabi ang totoo nyang dahilan. Ako ang may kailangan ng kasagutan. Hindi sila. Sana pagkatapos nito, matapos na lahat. Kung iisipin, madami na kong luha na naiiyak. Madami na din akong tao na naabala lalo na sa mga panahong wala akong matakbuhan.
Hindi lang ito minsan nangyari sa buhay ko. Maalala mo nung dumating sa buhay ko si Ace? Ano bang nangyari? Magulo din diba? Mas magulo pa sa kung ano ang meron ngayon. Pero, bata pa ako noon. Akala ko dadating din ang panahon na magiging mature na ako. Ano na ba? Hindi pa din ba? Painful memories holds my heart. Hanggang kailan ako aasa na may taong dadating para samahan ako. Hanggang kailan ko didibdibin lahat ng hinanakit ko sa mundo. Pagod na din ako.
Nung si JL, ano ba ang nagyari? Akala ko happy ever after na, Masaya naman sa umpisa eh. Andaming plano para sa future. Magmimission muna, mag-aaral, tapos saka bubuo ng isang masayang pamilya. Hindi din nagtagal bigla nalang nakalimot sa mga pangako. Bigla na lang din nagbago ang ikot ng mundo. Sino ba ang mas nasaktan? Ako diba? Dahil kahit may pagkakataon akong maghanap ng iba, hindi ko ginawa. Pinipilit kong punuin ang pagkukulang niya. Pinilit kong tanggapin siya kahit na alam kong hindi siya ang taong sumasakto sa mga pangarap ko. Sa huli, ako pa din an gang luhaan. Hanggang ngayon alam kong ako pa din ang talo sa larong ito. Taon na ang lumipas pero hindi pa din ako makalimot sa sakit na naidulot ng kahapon. Pati mga taong wala namang kasalanan nasaktan ko. Pati mga taong gusto lang naman akong damayan, napabayaan ko. Nawala pati pagmamahal ko sa sarili ko dahil sa akala ko na babalik pa din siya para tuparin bawat pangakong binitiwan nya. Eh, nasanay akong lahat ng pinangako sa akin, dumadating. Akala ko ang buhay parang fairytale lang. Dadating ang panahon na maisasakatuparan din ang pangako nya. Ano naman ba ang napala ko? Wala na naman diba? Buwan, taon, madaming nasayang na panahaon. May pangako bang natupad? Wala talaga eh. Bakit ba kasi ako umaasa? Eh wala na nga talaga diba. (-_-)
Pinilit kong pangitiin ang sarili ko. Oh ayan, dumating nga si BL. Pero hanggang saan? Bigla din naming nakalimot ang taong yun eh. Wala ngang dahilan. Kami pa nga ba? O ano nga ba talaga? Alam ko naman para sa kanya wala na lang lahat ng yon. Para sa kanya, isang panaginip lang lahat ng yun na kapag nagising ka, yun na yun. Walang katotohanan. Pero gayunpaman, tinatanggap ko naman yun sa sarili ko. Oo, nasa mission field nga sya ngayon. Hindi ko alam kung dapat pa bang ungkatin ang nakaraan naming o hayaan ko na lang at ibaon nalang sa mga masasaklap na ala-ala ng buhay. Hindi naman ako nadearjane eh. Mas malala pa dun ang naramdaman ko kasi wala naman siyang sinabi. Wala naman siyang ipinapaalam. Basta nagising na lang kami isang araw na walang kamalay malay sa kung ano ang meron sa kahapon. Siguro nga ako din naman, kinalimutan ko agad. Akala ko kasi hindi naman talaga ako masasaktan. Taon muna ang lumipas bago ko napagtanto na nasasaktan pa din pala ako sa ginawa nya. Sinasarili ko naman lagi eh. Matapang kasi ako. Pero yun lang ang akala ko. Natatakot lang ako na hindi ko mapakita sa tao na kaya kong labanan lahat ng problema ko. Kaya ayan! Heto ako, dito nalang naglalabas ng sama ng loob. Kakampi naman kita diba? Sana! >. < Lagi nilang sinasabi, dadating din yan. Bata ka pa. Madami ka pang matutunan sa buhay na ito. Madadapa ka pa, pero muli kang tatayo. Kailangan lang talaga na masugatan ka. Pagkatapos nun, magkakaroon ng pekas ang sugat.
Umasa ako na sa simpleng panaginip ko sa isang taong hindi ko naman kilala ay magkakaroon pa ko ng pagkakataon na maging masaya ulit. Sino ba ang hindi magtataka diba? Yung taong yun hindi ko pa nakita sa mga nakalipas na araw bago ang gabi na yun na binisita nya ako sa panaginip ko. Hanggang ngayon naman, hinihintay ko pa din siya. Kung sino man siya, hindi ko alam. (-_-) Meron akong nakita na halos sumakto sa description na binigay ko pagkatapos ng panaginip na iyon. Pero hindi ako sigurado kung bakit parang taliwas ang mundo sa kung ano siya. Siya ang pinakamalapit sa bawat salitang lumabas mula sa aking ala-ala. Naisip ko lang, paano kung siya nga talaga yun? Nakilala ko ang tao na yan pagkatapos ng panaginip ko. Kung siya man, maghihintay ako. (:*)
Kasabay sa panaginip na iyan ang isa na namang character sa buhay ko. Napadaan lang siya, pinakilig lang ang mga tao at pinaasa lang na naman ako. Nagdalawang isip pa ako eh hindi rin naman magiging totoo. Hays! Tignan mo nga naman ang tadhana oh pag ikaw ang napaglaruan. Umpisa lang na naman uli. Nagparamdam tapos biglang, wusshuu! Para na naman bula. Biglang nawawala. Hindi ko alam kung bakit. Nasanay na ako. Siguro nga. Immature kasi ako. Akala kasi nila hindi ako marunong magseryoso. Eh kasi nga, maingay ako, madaldal, masiyahin at puro tawa lang. (-_-) Sino ba naman ang mag-aakala na ako iiyak? Imposible. EH baka nga habang nababasa ng iba eto eh magtaka pa sila. Teka, si Hannah nga ba ito. Alam kong malamang ganyan ang unang expression ng mukha ng ibang tao. Gayunpaman, ako talaga ito. Ganito kalungkot ang buhay ko. Ganito kadaming palya at sablay ang buhay ko. (T.T)
Ngayon, sino pang magsasabi na perfect na ang buhay ko? Sinong magsasabing bata pa ako? Sinong magsasabing dadating pa siya? Natatakot na talaga ako sa mga pwedeng mangyari. Gusto ko nalang na dumating ang panahon na 21 na ko. Para makapaglingkod nalang ako. Hindi naman dahil yun ang escape ko sa kung ano ang meron sa mundo ko ngayon, pero siguro dahil na din alam kong baka dun man lang eh hindi na ko sumablay. Sana naman! (>.<) Kung dadating man ang taong magbabago ng pananaw ko sa buhay ko ngayon, pasasalamatan ko siya! Kung hindi man, pasasalamatan ko SIYA! :D Hindi pa ito ang kabuuan ng kwento ko. Yan lang ang mga naramdaman ko pagkatapos ng isang chapter hanggang sa natuluyan na at hanggang sa maging trahedya ang katapusan ng bawat pangyayari. Kahit papano nailabas ko na sama ng loob ko. Kahit papano alam kong may mga taong gagawing magstay sa tabi ko kahit na halos talikuran na ko ng mundo. Salamat Kaibigan! >.<
Hindi ko SIYA sinisisi sa mga nangyayari sa akin. Lubos pa din ang pasasalamat ko dahil kahit na nararamdaman kong mahina na ako, pagkatapos ng mga luha may lakas akong natatanggap para bumangon muli at harapin ang bawat araw pang dadaan. Naging matapang ako para makaabot pa sa panahon na ito. SIYA pa din ang lakas ko. SIYA pa din ang pinaniniwalaan ko. Sinusubok nya lang ako. Alam kong dadating pa din ang taong hinanda NIYA para gawing muling masaya at makulay ang buhay ko. Alam kong hindi NYA ako kailanman pinabayaan. Nadapa man ako, inabot nya ang isa nyang kamay para itayo ako. Nadapa man ako ulit sa mga sumunod pang pagkakataon, inabot nyang muli ang kamay nya para tulungan akong muling bumangon mula sa pagkakalugmok. Nais niya akong ihanda sa mas mabibigat pang problema maaring dumating. Hindi ako magpapadala sa kung ano man ang mundo. Mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa ibang tao. Alam kong may kahinaan ako, pero pipilitin kong maging malakas para sa kanya. Hindi ko maalis sasarili ko na minsan naisipan ko ding bumigay pero alam kong sapat pa din ang pagmamahal ko para sa kanya. Hindi SIYA nagkulang sa pagpapa-alala na kaya kong harapin ang bukas. Isang bagay pa na natutunan ko, MAGPATAWAD. Kailangan ko yang gawin para maging masaya ulit. Mula sa oras na ito, alam kong punong-puno ako ng pagmamahal galing sa KANYA. Sa lahat ng nasaktan ko, PATAWAD! Sa lahat ng nakasakit sa akin, SALAMAT! Pinalakas niyo ako at hinubog nyo ako para maging mas mabuting tao. (:*)

No comments:
Post a Comment