Wala na kong ibang ginawa kagabe kundi umiyak simula ng nasimulan kong isa-isahin lahat ng mga magagndang ala-ala nating dalawa. Di ko mapigilan ang sarili ko na ilabas lahat ng hinanakit ko sa sarili ko. Kung alam mo lang kung gaano kasama ang loob ko dahil hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko:(( Ngayon ko lang naranasan ang ganito ang halos hindi na makasalita sa kakaiyak, ang humagulhol na parang wala ng bukas at ang mag-isip na parang lahat ay wala ng pag-asa. NAkakalungkot talaga na wala ka na. pero mas nalulungkot ako na nawala ka ng may tampuhan tayo sa isa't-isa. Naiinggit ako sa mga taong hanggang sa mga huling sandali ng buhay mo ay kasama mo sila. Parang baliw na din ako kung magreact sa mga tao. Tulad nalang kagabe. Nag-usap kame ni OJ.
OJ: Attend ka ng kasal ko ha.
Ako: Depende, kung buhay pa ako.
OJ: oo, buhay ka pa nun.
Ako: Noone knows, malay naten bukas patay na ako.
OJ: Ako alam ko na hindi ka pa namamatay, alam ko kung kelan mamatay ang tao.
Ako: Kung alam mo, bakit hindi mo sinabe na mamatay na si Rens, Bakit hindi mo nalaman na mawawala na siya.
OJ: (napatahimik)
Ako: (Napaiyak nalang)
Hindi pa diyan natapos ang lahat.
Eto pa ang sumunod na mga linya.
OJ: Basta, Attend ka ha.
Ako: Depende nga, kung buhay pa ako, bakit hindi.
OJ: hindi ka pa nga mamatay. Matagal pa.
Ako: Eh kung sa akin lang ayoko na ding mabuhay.
OJ: Hindi ka pa mamatay dahil madami kaming ayaw ka pang mawala.
Ako: Bkit? madami din naman kaming ayaw mawala si RENS ah, may nagawa ba kame? Hindi naman namin ginusto na iwanan nya kame, pero bigla na lang siyang nawala.
OJ: sabagay...
Ako: Minsan nagiging unfair talaga ang mga bagay.
OJ: basta.
Hindi lang si OJ ang nabiktima ng kalungkutan ko pati na din yung mga taong pinasasalamatan ko dahil handa silang makinig sa akin dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Eto ang Conversation namin ni Ruth Alvarez (classmate ko)
Ruth: okay ka na?
Ako: ewan ko.
Ruth: ilabas mo lang yan.
Ako: i dont know ung pano magiging masaya lalo na wala na ding sapat na dahilan.
Ruth: bestfriend mo siya?
Ako: para sa akin, oo.
Ruth: ah, mahirap talaga yan. I understand.
Ako: oo nga, naiintindihan mo yung nararamdaman ko, pero hindi mo din alam kung gaano kahirap dahil hindi mo pa nasubukan.
Ruth: oo nga, kaya mo yan. isigaw mo lang.
Ako: I just ddont want to tell to the world kung gaano kabigat ang pasan ko. Hindi ako sanay na sabihin sa mundo kung ano talaga ang tunay na nararamdaman ko.
Ruth: halata nga..
Ako: T.T
Ilan lang yan sa mga scenariong naranasan ko kagabe. sa gitna ng kalungkutan may mga tao pading willing dumamay sa akin at malaking pasasalamat ko sa kanila.
Kanina lang din ng pumasok ako sa NSTP Class, parang walang nangyare kagabe, patunay lang na talagang hindi ko kayang ipakita sa mundo kung ano ang epekto ng pagkawala mo:((
Pagkatapos ng klase ko, nagkita kame ni Meh sa MCDO. nagkwentuhan at lahat ng mga kantang pinapatugutog sa MCDO ay ang mga kantang natutunan ko dahil sayo. Naiinggit ako sa kanila ni Wilson dahil napakaperfect couple nila. Naalala ko lahat ng mga magagandang ala-ala na sa MCDO nagsimula at sa Mcdo din tinutukan. Napadaan kami sa AMA kung saan halos mawasak ang puso ko ng hindi man lang tayo nagpansinan nang huling pagkakakita ko sayo na may hininga pa. Puro pagsisisi ang bumalot dahil hindi ko man lang nasabi na BORDX, kamusta na? at higit sa lahat.. Bordx, miss na kita:((